So dead end na. Okay na ako dun, chox na yun. Pero andami naming nadaanan na hindi ko makalimutan.
Lugar, tao, kanta, pati mga building - lahat parang bookmark sa mga pahina ng aming nakaraan na dapat ay
Masakit isipin na ang laki-laki ng investment ko, pinag-hirapan kong lumago at bumunga ang lahat. Isa ito sa mga bagay na alam kong pinaghirapan ko. Ang dami ng ginawa ko para sa amin. Pero nauwi sa wala. Bankrupt. Siguro minsan, it's a matter of luck.
So yun. Andaming nangyayari tuwing may naalala ako. Parang dinukot ang puso ko mula sa aking dibdib, winasak, dinuraan, inapak-apakan at iniwan sa daan para kainin ng mga daga. Parang may bombang isinuksok sa aking ribcage. Saka ko pa nalaman na andun iyon nung sumabog na. Parang nababawasan ang katinuan ko sa bawat alaala na sumasagi sa aking utak.
Sa ngayon, hindi ko kaaway ang taong yun. Kaaway ko ang alaala. Ilang beses mo ba dapat maalala ang isang bagay bago ito tuluyang mabura? O di kaya, gaano katagal mo bang hindi dapat isipin ang isang bagay para hindi na ito sumagi sa iyong isip?
Pero napakapositibo kong tao. Ayaw kong kalabanin ang aking alaala. Gusto kong kaibiganin ito, maging bihasa dito hanggang sa punto na ang alaala ko ay magsisilbing alipin ko at hindi ang kabaliktaran.
Dalawang taong relasyon, isang dekada ng alaala. Kung ako ikaw, sige nga.
No comments:
Post a Comment