9.22.2009

Tagalog Tuesday

Magtatagalog na ako. Pagod na ako sa kaka-spelling and grammar check.

Sa ulo ng mga balita..
  • Nakapaglagay na ako ng $2000.00 sa pitaka ko. Dati, pinahawak ako ng $6000.00. Oo, sumagi din sa isip ko ang tumakbo papuntang money changer. Pero bago ko pa man nagawa yun, ni-remind agad ako ng Tatay ko na dugo at pawis ang sinakripisyo niya para dun. So, okay. Kanina, $2000.00, katas ng Mongolia. Di ko maitatangkang itakas yun, kundi maraming mamumulupot sa gutom.
  • Kasama kami ni Mama at ni The Boy sa travel agency kanina. Bago kami umalis, sabi ni Miss G, "Magkapatid kayo?" Buti nalang di ko narinig. Kung narinig ko pa yun, nako! Tatanungin ko muna siya kung sino sa tingin niya ang mas matandang kapatid. Kung ano man ang isasagot niya, doon nakaratay ang hustisya! :))
  • Nakita ko ang kaklase ko nung elementary sa TV. Pareho kaming taga-section 4-Bataan, teacher namin yung kulot ang buhok na madaldal. Yung kaklase kong iyon, matalino, tahimik at maitim din. Sayang di ko naging seatmate, kundi potential puppy love na sana yun. Waaa. :) Andun siya sa TV nung isang gabi, isa siya sa mga volunteers ni Noynoy. Lalo siyang umitim kasi nakadilaw siya, eh bawal kaya yun sa aming lahi. Wala lang.
  • Naisip ko lang.. Kung hindi kaya ako magFacebook, may makakaalala pa kaya sa akin? Mawawala nalang ba ako bigla sa balat ng lupa? Mapuputol ba lahat ng friendships na nabuo ko hango sa totoong buhay at hindi sa FB? Ang puno't dulo ng lahat ng ito, importante ba talagang may Facebook? Oo, sagot ng mga naglalaro ng Farmtown. :|
***

Boredom.

Napansin kong panay akong binibisita nito. Madalas sa hapon, 1 to 4 pm. At sa gabi, 8 to 10 pm. Ito yung mga oras na nakatanim ang pwet ko sa plastic chair sa harap ng computer, naghahanap ng magagawa sa mundo ng internet. O di kaya nakahiga ako sa kama at nagbabasa ng isa sa mga sangkatutak na libro na di ko matapos-tapos basahin. Minsan, nakatunganga sa tibi at nilulunod ang sarili sa mundong hindi akin. At minsan, wala lang, nakahiga at humihinga. Simpleng buhay.

Madalas nagpapasalamat ako na hindi ako lalake. Kasi kung naging lalake ako, God knows kung ano ang mga pinanggagawa ko habang bored. Tulad ng magcomputer, at mag-ano.. online games. Saka yung ano.. magwork out. Saka yung iba pa. Basta! Buti nalang hindi ako naging lalake.

Babae nga ako pero hindi naman ako yung pa-girl. Hindi ako yung tipong kukuha ng digicam at itututok sa sarili, kukuha ng mahigit tatlong libong litrato ng sarili sa loob ng isang oras. Hindi rin ako yung nakatingin sa salamin at binibilang kung ilang pores ang bumukas, nagsara at lumobo ngayong araw. Hindi rin ako yung tipo na nagluluto pag bored. O sige, sinubukan ko minsan pero nasira lang tiyan ko. So wag nalang. At hindi rin ako mahilig mag-exercise. Oo, gusto ko magkaroon ng flat na tiyan. Pero umaasa at naniniwala pa rin ako sa himala.

Matagal na ako naghahanap ng solusyon sa aking pagka-bored. Given na hindi ako pwedeng magtrabaho sa ngayon, ano ba ang gusto kong gawin? Gusto kong magnegosyo. Gusto kong kumuha ng isang katutak na litrato ng kung ano-anong bagay. Gusto ko matuto ng French, Spanish, pagluluto, pagsayaw ng Salsa at Rumba, at pananahi. Gusto kong magsulat tungkol sa iba't ibang kalokohang pinasok ko. Gusto kong pumayat. Ang dami ko palang naisip na solusyon noh?

Naisip ko na ang boredom ay tunay na produkto ng utak na bored. Kung hinahayaan lang ng tao na tubuan ng lumot ang utak niya, tiyak na mangyayari yun. Iba ako. Gusto ko laging nasa "fun run" ang utak ko. Siguro, bored ako kasi napapagod din sa kaka-fun run ang aking neurons. *nerd*

So anong gagawin ko tuwing sasapit ang aking golden hours? Hindi pwedeng wala. Hindi ko na hahayaang katukin ako ng boredom. Run brain run!

2 comments:

martian1018 said...

anu ba talaga nasa farmtown at marami naadik dun? i played it for a while pero it gets very boring. facebook is for sneaky profile snooping and for gossip gathering. hahaha

anu masama kung lalake ka and bored ka? hmmm... wala naman ah! hahaha kaya nga nasa gym ako para di ako mabored sa bahay. pag bored ako sa bahay, malamang tulog ako.

para di ka ma-bored nikka, pumunta ka sa book sale tapos hanapin mo lahat ng Fulghum books dun.

Nikka P. said...

hahaha. but anyway, i think facebook is waaaay better than friendster.

iba kasi ang mga lalake ma-bored! kung anu-ano ang naiisip. haha.