Naalala ko na may Blogspot pa pala ako. Nalilito ako sa dami ng online account na nagawa ko.
Ang haba ng araw, andaming ginawa. Pero ayoko pa itong matapos.
Dahil mag-isa ako sa bahay at nakakalungkot, naisipan kong magdala ng kasama pauwi..
Dalawang bote ng GPS. Isang lata ng sisig. At isang pint ng ice cream. Ayos.
Sa totoo lang, mukhang di tumalab ang dalawang bote.
Sa totoo lang, masaya ako. Tahimik ang buhay. Ang daling ngumiti. Ayoko na isipin kung kaya ko pang maging masaya. Dyan ako nadale dati.
Sa totoo lang, sinubukan kong magmahal ulit. Nagmahal ako pero wala akong napala. O baka hindi ko lang sinagad ang pagkakataon.
Sa totoo lang, naiisip ko pa rin siya. Iisa lang siya sa buhay ko. Mula sa simula. Kung hanggang kelan, ewan.
Sa totoo lang, takot ako. Tulad ng isinulat ko sa Tumblr. Paano kung naikot ko na ang mundo, nagawa ko na lahat ng gusto ko.. Pero siya pa rin ang hinahanap ko?
Sa totoo lang, dapat na akong tumahimik. Tumalab ang dalawang bote.
No comments:
Post a Comment