12.06.2007

Nung Isang Araw..



Dito kami pumunta. Hindi yan sa France. Hindi rin yan sa bakuran namin. Kahit mukha siyang lumot, hindi yan lumot.

Ito ang soccer field ng Agro, dito sa Davao City. Hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ko at bigla kong naisipang sumama sa mga kaibigan kong si Mamu (yung nasa litrato), Esme, at Leah. Bitbit ang aking camera, bumuntot ako sa kanila at inaliw ang sarili sa kakapindot ng aking camera. Ansayaaaa. Langit na ba ito inay?
Masaya mag-ikot-ikot sa Davao pag gabi, lalo na ngayong malapit na ang Pasko. Kahit hindi gaanong gumagastos ang siyudad para sa paglalagay ng magagarbong ilaw, may iba namang establishments na nagtiyagang magkabit ng pandagdag atraksyon. Tulad nalang ng Marco Polo Davao. Tuwing December, pinaka-inaabangan ang kanilang dakilang Christmas Tree na naka-paskil sa pader. Manghang-mangha ako sa nagdesign ng Christmas Tree na yun, napakapantay ng bawat angle. Paano niya kaya yun ginawa? Ginamitan ng malaking protractor? Higanteng tape measure? Wala lang, ang galing talaga.


Binalita kahapon sa local news na sinindihan na raw ang mga ilaw sa Rizal Park. Aha. Mapasyalan nga.


No comments: