8.28.2009

Twenty-eight.

Kinidnap ko si Lalake ngayong araw. Sinundo ko siya mula sa kanyang trabaho, sinama sa mga lakad na inutos ni King Triton. Kumain kami sa peyborit naming restaurant, yung sa tabing dagat. Kumain kami hanggang sa makita namin yung ilalim ng palayok ng Sinigang na Hipon. Panay pa tawanan namin, at malamang nakita ng waitress kanina ang mga kumikislap naming mga mata na parang mga adik na nakatira ng baby powder.

Mula pa nung dose anyos ako, naniniwala ako na may special power si Lalake. Meron syang relaxing energy na puno ng positivity at happiness, kahit hindi siya adik. Tuwing kasama ko siya, pakiramdam ko nakasakay ako sa carousel ng Enchanted Kingdom, nakangiti from ear to ear at ine-enjoy ang paligid kong umiikot. Hindi ako makapaniwala na may nakilala akong taong may dalang calming effect sa akin, mas matapang pa sa SalonPas. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin sakaling wala sya sa buhay ko nung mga nakaraang buwan. Naloka na siguro ako.

Gustong-gusto ko yung pagspoil niya sa akin, kahit wala akong hinihingi o dinedemand sa kanya. Gusto ko yung style niya na sinasabi nya yung mga salitang dapat kong marinig, at hindi yung gusto ko lang marinig. At ang saya ng pakiramdam na tuwing naglalakad kami, parang may magnet ang mga kamay namin na automatic nagdidikitan na agad. I love his real, pure and positive presence. Walang preservatives. :)

No comments: