10.01.2009

Pakonti-konti

Ang bagal ng internet connection ngayon. Parang yung speed ng connection nung mga 2003, nung panay ang babad ko sa internet cafe sa kanto para magFriendster at magresearch ng lyrics ng mga R&B na kanta sa Lyrics.com. Hay I love you PLDT DSL!

Kanina lang, may nabuo na akong blog sa utak ko. Pero dahil mabagal ang connection, putol-putol din ang aking train of thought.

Hindi pwedeng hindi ko banggitin na maraming lugar na ang apektado ng pagka-moody ni Mother Earth. Luzon, Samoa, Vietnam, Indonesia, pati Georgia, Atlanta. Menopausal na siguro si Mama Earth. Tama na please.

Miss ko na camera ko. Hindi naman talaga yun akin ng buong-buo. Nakiki-camera lang ako kay Papa. Ayun, dala niya sa Mongolia ngayon. Sad. :| Gusto kong mamasyal at magpindot buong araw.

Umuwi na rin ang mga pinsan ko sa Manila. Nakaka-miss agad. Walang kuya at ate. :| Ganito talaga siguro basta panganay noh?

Pero kahit ganun, masaya pa rin ako ngayong araw. Pagdukot ko sa bulsa ng bagong laba kong shorts, aba! May papel! Pera! Bente? Singkwenta? Isang daan? Hindi. Isang libo!!! Kung saan, kelan at paano napunta ang isang libo sa bulsa ko, wala akong alam. Basta alam ko, may isang libo na ako! Woohoo!

--

Naisip ko na andami kong ginagawa tuwing nagda-drive ako mag-isa. Tulad ng..

  • pagkuha ng picture. Picture ng mga taong dumadaan, kotseng nakakasalubong, sunset, etc. Pag nakatigil ako sa red light, pati sarili ko, kinukunan ko na ng picture. Pangit lang ang mga angle, nakafocus sa mga butas ng aking ilong, masisilip ang utak ko.
  • pagkanta ng malakas. Kahit nakasara ang mga bintana at di naririnig ng mga tao sa labas, halata pa ring kumakanta ako kasi makikita ako sa loob na papikit-pikit sa pagbirit. Yaks.
  • mga nakakadiring habits. Tulad ng pag-yawn na sa sobrang laki ng bunganga, kita na ang aking spleen. At tulad na rin ng pangungulangot, pagtanggal ng tinga, pagkamot ng kili-kili, pag-ayos ng bra kung nakapuwesto ba ng tama. Feel at home ako sa kotse eh, ano ba.
  • pagsayaw. Kanina, banat ako sa pagsayaw habang naka-red light. Woohoo, may pa-snap snap pa!
Ang masaklap nito, andami ko na ngang ginagawang kalokohan habang nagmamaneho, lagi ko pa talagang nakakalimutan na hindi tinted ang aking mga bintana! Huwaaa.

Ayun lang muna. Pakonti-konti. Goodnight.

4 comments:

martian1018 said...

una, akin na lang yung isang libo! ahahaha

nakakaaliw ung mga nagagawa naten pag walang nakatingin noh? pag alam ko walang nakatingin, maghahanap ako ng mirror sabay flex ng muskels! ahahaha vain ako minsan pero pag wala lang nakakakita.

Nikka P. said...

YUCKS! kung makita kita na magflex-flex ng muscles.. bwahahahahaha. hahaha.

swerte ko talaga. laging nakakapulot ng pera. wahaha.

martian1018 said...

ahahaha i do it discreetly! pag nahuli mo ako, ililibre kita. hehehe

tedpen said...

waaaaaah! friendster and lyrics.com! feels like light years ago..