Kaninang umaga, may nagring ng aming doorbell. Tumakbo ang house boy namin palabas at dali-dali rin siyang bumalik. Sabi niya, "Nik, ikaw humarap dun." Aba inutusan ako. Pagsilip ko sa bintana, uy! Amerikanong naka-long sleeve, naka-shades at namumula dahil sa init ng tanghaling-tapat. Naka-gusgusin outfit pa ako nun, sando at punit-punit na short. Dahil ayaw kong ma-rape sa sarili kong pamamahay, dali-dali akong nagbihis.
Paglabas ko, kinamusta niya ako. Sabi ko, "Great." Pero wala gaanong energy. Pagkatapos nun, naglitanya na siya tungkol sa kanyang produkto. Teleponong touch screen na may kung anu-anong features na hindi naman ginustong ilagay ni Alexander Graham Bell.
Pagkatapos niya maglitanya, sinabi ko na malamang interesado ang Tatay ko pero wala siya sa bahay. Sabi ko, iwan niya nalang ang contact number nila.
At dahil Pinay ako na likas na tsismosa, tinanong ko siya, "Why are you doing this? Are you an employee of some company?"
Sabi niya, "No, I'm the boss. I own the company." Aw ah. :|
Naikuwento niya pa na tumira na siya sa iba't ibang bansa sa Asia for fifteen years. Taga-California siya, umuuwi pa rin siya four times a year. One week pa lang siya dito sa Davao, dahil kaka-launch lang ng produkto nila dito. At dahil gusto niyang matuto ang kanyang employees kung paano magbenta, sumama siya mag-house to house.
Mula dun, di na ako nagtanong ng mga basic questions na binabato sa mga dayuhan.
Ano nga ba yung basic questions?
1.Your salary, how much?
2. Do you hab wife? Or girlpren?
3. Pilipina, you like?
But anyway, nakakatuwang makita na mismong dayuhan ang nagsisilbing "servant leader" sa mga Pinoy. Bihira ka lang ata makakakita ng CEO o boss dito sa Pinas na mismong magmamarket ng kanyang produkto. At in fairness sa kanya, hindi siya nagpaka-superior sa mga binebentahan niya. Hindi niya tinatratong ignorante ang mga kausap niya, kumpara sa ibang Pinoy.
Hindi Hollywood material yung Kano pero ang pakikitungo niya sa mga Pinoy ay mas mabuti pa sa pakikipag-kapwa tao ng mga mismong Pilipino.
Tagay,
No comments:
Post a Comment